SR 509 I-5 Expressway at mga rampa
Ang pagtatayo ng unang milya ng SR 509 Expressway at ang mga rampa na magkokonekta sa I-5 sa SR 509 ay nangangailangan ng malaking konstruksyon sa SeaTac. Ang kontratista ng WSDOT ay:
- Buuin ang unang milya ng SR 509 Expressway sa pagitan ng 24th Avenue South at I-5 at ng electronic toll point (malapit sa South 210th Street).
- Buuin ng bagong I-5 overpass malapit sa South 212th Street. Ang overpass ay magkokonekta sa northbound I-5 sa northbound SR 509.
- Buuin ng bagong southbound I-5 off-ramp sa timog lang ng Military Road South.
- Buuin ng bagong southbound SR 509 ramp na magkokonekta sa southbound SR 509 sa southbound I-5.
- Ikonekta ang mga bagong rampa sa Veterans Drive at sa SR 516 interchange.
Ano ang maaari ninyong asahan?
Sa panahon ng konstruksyon, maaaring asahan ng mga drayber ang northbound at southbound na I-5 lane na ililipat patungo sa outside shoulder para makapag-set up ang mga crew ng work zone sa I-5 median. Maaaring asahan ng mga drayber ang pagsasara ng lane sa gabi sa 2022 at 2023 kapag nagtakda ang mga crew ng mga girder para sa bagong tulay. Kapag nangyari ang mga pagsasara ng lane na ito, ang isang lane sa northbound o southbound I-5 ay bukas sa magdamag, karaniwang sa pagitan ng 10 p.m. at 4 a.m. Maaari din asahan ng mga drayber ang panaka-nakang pagsasara ng single at double lane sa gabi sa buong konstruksyon
Iskedyul
Ang pagtatayo ng mga bagong rampa at ang unang milya ng SR 509 ay magsisimula sa unang bahagi ng 2022 at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng 2024.
Ipabahagi ang inyong mga tanong o komento sa parte ng proyekto sa aming “comment page” dito.