Skip to main content

Pagbubuti ng Komunidad

Inilalarawan ng pahina na ito ang mga tampok sa proyekto.Ang mga disenyo na ipinakita dito ay konseptwal. Ang gagawa ng disenyo ay tatapusin ang iskedyul at disenyo, na maaaring maiba sa konseptwal na disenyo.

Pagbubuti ng Komunidad

Sa panahon ng pagbuo ng proyekto, pagtatayo, at higit pa, ang WSDOT ay nakatuon sa kaligtasan, kalusugan, at kalidad ng buhay ng mga kalapit na komunidad. Itinatampok ng pahina na ito kung paano tinutugunan ng SR 509, 24th Ave South hanggang South 188th Street – New Expressway Project and tatlong pangunahing alalahanin na narinig namin mula sa aming mga kapitbahay: daanan para sa iba’t ibang mode ng paglalakbay, at kaligtasan, at ingay.

Kaligtasan para sa Iba’t Ibang Mode ng Paglalakbay at mga Taong Naglalakad

Gumagamit ang mga taga-Washington ng lahat ng uri ng pamamaraan upang makapunta mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Sa pag-iisip na ito, ang mga inhinyero ng proyekto ay nagdisenyo ng mga interchange at intersection sa loob ng bagong SR 509 expressway na nagpapahusay sa kaligtasan at daan para sa mga tao ng komunidad na naglalakad, sumasakay, at nagbibisikleta.

Ang malawak na bangketa na may mga buffer ng trapiko sa overpass ng South 160th Street at bagong tulay ng South 192nd Street ay magbibigay-daan sa ligtas na pagtawid sa SR 509. Sa timog na bahagi ng South 188th Street, isang hiwalay na multi-use daanan at malinaw na senyas sa rotonda intersection ay mag-uugnay ng tuloy-tuloy na iba’t-ibang gamit na daan sa King County’s Lake to Sound trail.

Ngunit hindi lang namin kinukumpleto ang SR 509. Bilang bahagi ng proyektong ito, ang WSDOT ay nagbibigay din ng pondo para sa King County upang bumuo ng kritikal na nagkukulang na dugtong para sa Lake to Sound na iba’t ibang gamit na daanan. Ang 1.8 milya na Lake to Sound Trail – Segment C (L2CT-C) na proyekto at ginagawa na at inaasahang matatapos sa tagsibol 2023. Matuto pa sa pamamagitan ng pagbisita sa King County Parks’L2ST-C project page.

Ingay

Kasunod ng proseso ng pagsusuri sa kapaligiran noong 2003, ang mga pagbabago sa disenyo ng daanan na nagresulta sa isang malaking pagbawas sa inaasahang pagtaas ng ingay para sa mga sambahayan, negosyo, at pampublikong lugar na pumapaligid sa SR 509 Completion Project. Ang malaking dahilan na nagbibigay sa pagbawas ng ingay ay ang pagdagdag ng tolling sa bagong SR 509 expressway, kung saan ang mga inhinyero ay nag disenyo ng bagong daan na mas kaunti ang linya at mas mababa ang trapiko.

Kung saan ang ingay ng trapiko ay tataas ng 65 decibels, ang WSDOT ay magtatayo ng pang-ingay na pader (noise walls) at papahabin ang nakairal na pader. Para sa inyong kaalaman: ang ingay ng ref sa bahay ay 55 decibels, kung saan ang vacuum cleaner ay umaabot ng 75 decibels.

Karagdagan sa mahigit na 12,000 feet na bagong pang-ingay na pader (noise walls) na ginawa sa yugtong 1a at 1b ng SR 509 Completion Project, ang WSDOT ay magtatayo ng dalawang bagong pang-ingay na pader at ipapahaba ang isang nakatayo na sa panahon ng pangalawang yugto. Kasama dito:

  • Isang bagong 874-foot na pang-ingay na pader na nasa hilagang-silangan ng bagong SR 509/South 160th Street interchange
  • Isang bagong 1,180-foot na pang-ingay na pader na nasa timog-kanluran ng bagong SR 509/South 160th Street interchange
  • Pinahabang pang-ingay na pader na aabot sa 230-foot na nasa silangan ng I-5 na nasa timog ng Midway landfill.
Ang mga bagong pang-ingay na pader na malapit sa SR 509/South 160th Street interchange ay nakakapag bawas ng epekto ng konstruksyon at ingay ng trapiko para sa mga
Ang mga bagong pang-ingay na pader na malapit sa SR 509/South 160th Street interchange ay nakakapag bawas ng epekto ng konstruksyon at ingay ng trapiko para sa mga