Skip to main content

Tagsibol ng 2022- Online Open House ng SR 509 Completion Project – Pagpapakilala sa Proyekto

Ano ang SR 509 Completion Project?

Ang SR 509 Completion Project ay magpapalawak ng SR 509 highway mula sa kung saan ito kasalukuyang nagtatapos sa Sea-Tac International Airport sa Interstate 5 (I-5). Habang ang bagong expressway ay tatlong milya lamang, ang proyekto ay mas malaki, ito ay nag papabuti ng daloy ng trapiko, pagsasama ng iba’t ibang mode ng paglalakbay, pagpapabuti ng kapaligiran hanggang South 160th Street sa Burien at South 272nd Street sa Federal Way.

Kapag natapos, ang SR Completion Project ay magbibigay ng bagong daan patungo sa Sea-Tac  airport at rehiyonal na seaports, tutulong na alisin ang mga freight trak sa lokal na kalye, nagpapabuti sa kaligtasan ng mga taong naglalakad, at kaligtasan ng daan sa timog ng King County sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong hilaga-timog na daan bukod sa I-5.

Batay sa kasalukuyang disenyo, ang bidyo sa pagpapakilala ng proyekto ay tinuro ang mga pangunahing tampok at benepisyo ng SR 509 Completion Project. Ang huling disenyo at maaaring magka iba sa nakalarawan dito.

Timeline ng proyekto

Kasalukuyang sumasailalim sa konstruksyon ang SR 509 Completion Project. Kabilang sa aktibidad ng yugto na 1a at 1b ang konstruksyon ng unang milya ng bagong SR 509 expressway, bagong rampa at tulay na nag-kokonekta sa SR 509 hanggang I-5 malapit sa South 212th Street, bagong SR 509/24th Avenue South interchange, bagong gawa na interchange sa I-5/SR 516, at ang konstruksyon sa bago at pinahaba na pang-ingay na pader.

Ang pangalawang yugto ay nalalapit ang pagtatapos ng konseptwal na disenyo, at ang pangkat ng proyekto ay hinahanda ang mga dokumento para sa pagpili ng kontraktor sa 2023. Ang mga aktibidad sa pangalawang yugto ay nakatakdang simulan sa katapusan ng 2024 at matatapos sa 2029.

The SR 509 project timeline. Stage 1a ends in 2022. Stage 1b ends in 2025. Stage 2 ends in 2028. Tolling begins late 2025, all labels in Tagalog.
Ang mga yugto na 1a at 1b ay kasalukuyang sumasailalim sa konstruksyon. Sa 2023, pipili ang WSDOT ng kontraktor para sa pangalawang yugto na tatapos ng huling disenyo sa 2024 at sisimulan ang malaking konstruksyon sa katapusan ng 2024.