Skip to main content
WSDOT online open houses

Mga Pagbubuti sa Daloy ng Trapiko

Inilalarawan ng pahina na ito ang mga tampok sa proyekto.Ang mga disenyo na ipinakita dito ay konseptwal. Ang gagawa ng disenyo ay tatapusin ang iskedyul at disenyo, na maaaring maiba sa konseptwal na disenyo.

Mga Pagbubuti sa Daloy ng Trapiko

Ang pagtatayo nitong hilaga-timog na alternatibo sa I-5 ay nangangailangan ng mga pagsasaayos sa mga kasalukuyang daanan at interchange upang matugunan ang mga bagong pattern ng daloy ng trapiko. Itinatampok ng pahinang ito ang mga pangunahing pagbubuti ng daloy ng trapiko na kasama sa SR 509, 24th Avenue South hanggang South 188th Street – New Expressway Project.

SB I-5 auxiliary lane, SR 516 interchange hanggang South 272nd Street

Kasunod sa pagkumpleto ng bagong I-5/SR 516 interchange sa Yugto 1b ng SR 509 Completion Project, papahabain ng WSDOT ang isang auxiliary lane ng 1.6 milya sa southbound I-5 mula sa southbound on-ramp sa SR 516 hanggang South 272nd Street sa Federal Way, malapit sa lugar ng hinaharap ng Federal Way Link Extension light rail station.

Ang mga pagbubuti ng daloy ng trapiko sa I-5 hilaga ng SR 516 ay bahagi ng Yugto 1b ng SR 509 Completion Project na naumpisahan na ang konstruksyon. Para sa higit pang impormasyon sa Yugto 1b bisitahin ang pinakabagong online open house ng proyekto ng konstruksyon, na ginanap noong Nobyembre at Disyembre 2021.

Roundabout Interchanges, sa South 160th Street at sa South 188th Street

Babaguhin ng WSDOT ang parehong SR 509/South 160th Street interchange sa Burien at ang SR 509/South 188th Street interchange sa SeaTac, na gagawa ng mga rotonda kung saan nagtatagpo ang SR 509 on- at off-ramp sa mga lansangan ng lunsod. Nagsagawa ng WSDOT ng mga pagaaral sa trapiko at mga simulation  sa parehong interchange para matukoy ang pinakaligtas at pinakaepektibong disenyo para sa lahat ng uri ng sasakyan mula sa malaking trak at school bus hanggang sa mga siklista at de-motor na wheelchair (gamit ang mga bangketa, siyempre!). Sa parehong mga lokasyon, ang mga rotonda ay nagtagumpay sa lahat ng iba pang mga opsyon.

Ang mga larawan sa ibaba ay nagpapakita ng kasalukuyang mga disenyo para sa muling pagbabago na mga pagpapalitan sa South 160th Street at South 188th Street.

Sa South 160th Street, aalisin ng mga rotonda ang mga hindi protektadong pagliko sa kaliwa mula SR 509 pahilaga na palabas sa rampa.
[Tanawin sa timog] Sa South 160th Street, aalisin ng mga rotonda ang mga hindi protektadong pagliko sa kaliwa mula SR 509 pahilaga na palabas sa rampa.
Sa South 188th Street, ang mga rotonda ay magpapanatiling gumagalaw ang trapiko sa lahat ng direksyon at magbibigay ng ligtas na ruta para sa mga siklista at pedestrian upang kumonekta mula sa SeaTac at Burien patungo sa bagong bahagi ng Lake to Sound Trail.
[Tanawin sa timog] Sa South 188th Street, ang mga rotonda ay magpapanatiling gumagalaw ang trapiko sa lahat ng direksyon at magbibigay ng ligtas na ruta para sa mga siklista at pedestrian upang kumonekta mula sa SeaTac at Burien patungo sa bagong bahagi ng Lake to Sound Trail.

Mayroong higit sa 100 rotonda sa buong Washington State na nagpabuti ng daloy ng trapiko at kaligtasan sa mga masikip na intersection at interchange. Kahit na ang  mga rotonda ay nagiging mas pamilyar sa mga taga-Washington, ang WSDOT ay nananatiling nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa rotonda para sa mga nagmamaneho at mga taong naglalakad. Para sa higit pang impormasyon sa kung paano  mas ligtas na magmaneho, maglakad, mag bisikleta, o sumakay sa mga rotonda, tingnan ang WSDOT’s roundabout safety guidance.

Plano ng WSDOT na gumamit ng mga diagram tulad ng nasa larawan sa itaas, kasama ang mga bidyo ng pangkaligtasan, sa panahon ng pakikipag ugnayan na aktibidad sa komunidad upang makatulong na bumuo ng kaalaman at kumpiyansa sa paggamit ng rotonda bago buksan ang mga bagong interchange.
Plano ng WSDOT na gumamit ng mga diagram tulad ng nasa larawan sa itaas, kasama ang mga bidyo ng pangkaligtasan, sa panahon ng pakikipag ugnayan na aktibidad sa komunidad upang makatulong na bumuo ng kaalaman at kumpiyansa sa paggamit ng rotonda bago buksan ang mga bagong interchange.