Skip to main content
WSDOT online open houses

SR 509 Expressway

Inilalarawan ng pahina na ito ang mga tampok sa proyekto.Ang mga disenyo na ipinakita dito ay konseptwal. Ang gagawa ng disenyo ay tatapusin ang iskedyul at disenyo, na maaaring maiba sa konseptwal na disenyo.

SR 509 Expressway

Ang huling dalawang milya ng bagong apat na daanan sa 509 expressway ay palalawakin sa 24th Avenue South hanggang South 188th Street sa SeaTac, kung saan ang bagong expressway ay sasalubungin ang umiiral na SR509 highway.

Magbubukas ang SR 509/24th Avenue South Interchange sa 2025 pagkatapos ng unang milya ng SR 509 expressay sa ilalim ng yugtong 1b ng SR 509 Completion Project.
Magbubukas ang SR 509/24th Avenue South Interchange sa 2025 pagkatapos ng unang milya ng SR 509 expressway sa ilalim ng yugtong 1b ng SR 509 Completion Project.
Kabilang sa 24th Avenue South interchange ang southbound SR 509 on-ramp at northbound off-ramp patungo sa 24th Avenue South.
Kabilang sa 24th Avenue South interchange ang southbound SR 509 on-ramp at northbound off-ramp patungo sa 24th Avenue South.

Upang mapanatili ang mga daan sa lokal na kalsada, ang expressway ay tatawid sa ibabaw ng South 200th Street at Des Moine Memorial Drive at sa ilalim ng bagong tulay sa South 192nd Street. Sa Des Moines, ang South 194th Street ay hindi na gaganap na diretsyong koneksyon sa pagitan ng 8th Avenue South at Des Moines Memorial Drive. Ang lokal na daan patungo sa Des Moines Memorial Drive galing sa South 194th Street ay mananatili sa pamamagitan ng 11th Place South at South 196th Place. Ang South 196th Street at 18th Avenue South sa SeaTac ay hindi na magagamit ng mga sasakyan na may motor, sa halip, ito ay magiging kritikal na parte ng bagong bahagi ng Lake to Sound multi-use trail, na pinundohan ng proyekto.

Kinumpirma ng muling pagsusuri sa kapaligaran (NEPA) noong 2018 na ang mga na-update na disenyo at sumusunod sa mga pederal at pang-estadong pamantayan sa kalusugan ng kapaligiran, pangangalaga sa kapaligiran, at hustisya sa kapaligiran, kabilang ang pagtiyak na ang proyekto ay nagpapanatili ng sapat na lokal, transit, at daanan sa iba’t iba mode ng paglalakbay.
Kinumpirma ng muling pagsusuri sa kapaligaran (NEPA) noong 2018 na ang mga na-update na disenyo at sumusunod sa mga pederal at pang-estadong pamantayan sa kalusugan ng kapaligiran, pangangalaga sa kapaligiran, at hustisya sa kapaligiran, kabilang ang pagtiyak na ang proyekto ay nagpapanatili ng sapat na lokal, transit, at daanan sa iba’t iba mode ng paglalakbay.

Tolling

Upang mapanatili ang pangangailangan sa trapiko at makabuo ng pagpopondo para sa pagtatayo ng proyekto at patuloy na mga gastos sa pagpapanatili, noong 2019 ay pinahintulutan ng Lehislatura ng Estado ng Washington and electronic tolling sa bagong SR 509 expressway. Tanging ang bagong seksyon ng SR 509 (sa pagitan ng South 188th Street at I-5) ay malalagyan ng toll; lahat ng umiiral na mga seksyon ng SR 509 highway at mananatiling walang mga toll.

Magkakaroon ng isang toll point (walang toll booth) sa SR 509 espressway na matatagpuan sa pagitan ng I-5 at SR 99. Ang pag-toll sa bagong SR 509 expressway ay magbibigay-daan sa WSDOT na mas mahusay na pamahalaan sa dami ng trapiko sa koridor. Ang pagbibigay ng malinaw na koneksyon na ito sa mga rehiyonal na puwerto ay nangangahulugan na mababawasan ang trapiko ng kargamento sa kalye, pagpapagaan ng kasikipan at pagbabawas ng mga emisyon mula sa labis na kawalang idling ng kotse.