Skip to main content
WSDOT online open houses

Pagpapabuti sa Kapaligiran

Inilalarawan ng pahina na ito ang mga tampok sa proyekto.Ang mga disenyo na ipinakita dito ay konseptwal. Ang gagawa ng disenyo ay tatapusin ang iskedyul at disenyo, na maaaring maiba sa konseptwal na disenyo.

Pagpapabuti sa Kapaligiran

Nangangako ang WSDOT sa pagiging mabuting tagapag alaga ng lupa at responsableng kasosyo sa pagtulong sa ating malawak na ecosystem na umunlad. Kasama sa pangkat ng proyekto ang mga eksperto at inhinyero na mahusay sa kaalaman tungkol sa tirahan ng isda hanggang sa mga tagapagsuri ng ingay. Katrabaho at kasama ang lokal na tribo, lokal na ahensya, at ang mga lungsod, ang pangkat na ito ay gumagawa ng disenyo at diskarte sa pagbawas ng epekto sa sensitibong lugar at tirahan sa lugar ng proyekto.

Halimbawa, ang roadside restoration program ng WSDOT ay binabalik ang natibong halaman sa gilid ng mga bagong kalsada, pinagtutuunan ang pagpapabuti ng tubig at kalidad ng hangin, pagpapanatili ng wetlands at iba pang tirahan, pag-kontrol sa uri ng halaman o hayop na hindi galing sa lugar, at proteksyon sa erosyon.

Iba pang aktibidad ng proyekto upang makatulong sa pagprotekta ng natural na kapaligiran sa loob ng lugar ng pagsusuri ng SR 509:

Ang dokumento ng pagkilatis sa kapaligiran ng SR 509 Completion Project at iba pang dokumento ay maaaring mabasa sa website ng Puget Sound Gateway Program.

Pag ayos ng Wetland sa SeaTac at Des Moines

Intensyonal na disenyo– kagaya ng pinataas na kalye, mga daanan ng isda, at plano para sa right of way– ay nakakatulong sa pag bawas ng di-kailangan na abala sa natural na kapaligiran. Gayunman, alam ng WSDOT na ang mga malalaking imprastraktura na proyekto ay merong tunay na kinahinatnan. Dito pumapasok ang mga proyekto ng pagpapagaan.

Sa 2007, nakumpleto ng WSDOT ang paunang wetland mitigation site sa timog ng Sea-Tac airport. Ang 3.66-acre AMB Property site ng pagpapagaan ay nagbawas ng di-maiiwasan na epekto sa wetland dahil sa SR 509 Completion Project sa paggawa at pagbubuti ng wetland at wetland buffer.

AMB before and after photos
Dahil maagang nagumpisa ang proyekto ng sampong taon, ang mga paunang site na pagpapagaan nakatulong para maiwasan ang pagkawala ng tirahan sa pamamagitan ng pagtayo ng off-site wetland ecosytem bago naumpisahan ang konstrukyon.

Karagdagan pa dito, nagpaplano ang WSDOT na umpisahan ang mas malaki pang proyekto na magpapabuti ng wetand sa Barnes Creek sa Des Moines. Ang buong site na pagpapagaan ay aabot sa Kent-Des Moines Road hanggang South 220th Street, at kapag natapos, ay maaring marating gamit ang Des Moines Creek Trail. Ang site ng Barnes Creek ay lalong magbabawas ng potensyal na epekto sa wetland dahil sa SR 509 Completion Project.

A map of the Barnes Creek Wetland Mitigation Site showing existing wetland areas and wetland buffer mitigation areas, all labels in Tagalog.
Ang pag aayos ng Barnes Creek sa Des Moines ay magbibigay buhay muli sa 11.72 acres ng wetland at lumilibot na riparian (malapit sa wetland) na tirahan para sa mga hayop at halaman na natibo sa rehiyon kagaya ng Oregon Ash.