English | 简体中文 | 繁體中文 | 한국어 | Русский | Af Soomaali | Español | Tagalog | Tiếng Việt
Tumulong na hubugin ang kinabukasan ng pampublikong transportasyon sa estado ng Washington.
Ina-update ng Dibisyon ng Pampublikong Transportasyon ng Departamento ng Transportasyon ng Estado ng Washington (Washington State Department of Transportation, WSDOT) ang 2016 Plano ng Pampublikong Transportasyon ng Estado ng Washington. Gusto naming lumikha ng isang plano na tunay na tumutugon sa mga pangangailangan sa transportasyon ng mga miyembro ng komunidad sa buong estado ng Washington.
Kung hindi ka pamilyar sa Plano ng Pampublikong Transportasyon, nagsisilbi itong gabay para sa hinaharap na pagpaplano ng pampublikong transportasyon sa buong estado ng Washington. Ang plano ay nagdadala sa ating estado patungo sa isang mas pinagsamang, multimodal na sistema ng transportasyon na tumutugon sa mga pangangailangan ng lumalago at umuunlad na mga komunidad. Ang update na ito ay nagsisilbing isang pagkakataon upang suriin ang mga layunin at priyoridad sa pagpaplano habang isinasama ang bagong pananaliksik, data at input sa pamamagitan ng pampublikong pakikipag-ugnayan.
Inaatasan ng batas ng estado ang WSDOT na bumuo ng plano sa pampublikong transportasyon sa buong estado (Rebisadong Kodigo ng Washington, Revised Code of Washington, RCW 47.06.110). Ayon sa batas, ang plano ay dapat:
Ipahayag ang interes ng estado sa pampublikong transportasyon at magbigay ng mabibilang na mga layunin, kabilang ang mga tagapagpahiwatig ng benepisyo.
Tukuyin ang mga layunin para sa pampublikong sasakyan at ang mga tungkulin ng pederal, estado, rehiyon, at lokal na entity sa pagkamit ng mga layuning iyon.
Magrekomenda ng mga mekanismo para sa pag-uugnay ng estado, rehiyon, at lokal na pagpaplano para sa pampublikong transportasyon.
Magrekomenda ng mga mekanismo para sa pag-uugnay ng pampublikong transportasyon sa iba pang mga serbisyo at paraan ng transportasyon.
Magrekomenda ng mga pamantayan, na naaayon sa mga layunin na tinukoy sa “2” sa itaas para sa mga umiiral na pederal na awtorisasyon na pinangangasiwaan ng WSDOT sa mga ahensya ng pagbibiyahe.
Magrekomenda ng isang pang-estadong pasilidad ng pampublikong transportasyon at sistema ng pamamahala ng kagamitan, gaya ng iniaatas ng pederal na batas.