Ano ang Pangitain para sa Master Plan ng SR 167?
Tutuklasin ng SR 167 Master Plan ang mga solusyon para sa pagbiyahe ng mga tao sa SR 167 na papunta sa trabaho, paaralan, at iba pang importante at hindi gaanong importante na lakad, at mga bagay na sumusuporta sa pag sigla ng ekonomiya. Ang pagbiyahe sa SR 167 ay magiging ligtas, konektado, matibay, at maaasahan. Sisikapin ng SR 167 Master Plan ang mga mapakikinabangan na solusyon upang:
- unahin ang mga pangangailangan ng hamak at nahihirapan na komunidad,
- bawasan ang mga nakatayong hadlang sa kasalukuyang sistema ng transportasyon,
- suportahan ang Puget Sound Regional Council (PSRC) Regional Growth Strategy,
- mapadali ang transit at aktibong transportasyon,
- suportahan ang inaasahang pag unlad at ibang paggamit ng lupa,
- maasikaso ang biyahe ng freight, at
- bawasan ang pagbuga ng greenhouse gas.
Paano malalaman ng WSDOT kung nakamit na ang pangitain ng SR 167 Master Plan?
Malalaman ng WSDOT na nakamit na ang pangitain ng Master Plan kung nakamtan na ang mga sumusunod na layunin:
Katarungan: Magbigay ng iba’t ibang uri ng transportasyon base sa pangangailangan ng mga hamak at nahihirapan na komunidad na malapit sa SR 167.
Kaligtasan: Pagbutihin ang umiiral na kondisyon ng kaligtasan at ang kinabukasan ng kondisyon ng kaligtasan.
Kapaligiran: Magbigay upang mapabuti ang pagbawas ng greenhouse gas emission at takdaan ang epekto sa kapaligiran.
Multimodal: Baguhin ang paraan ng pagbiyahe ng mga tao at kalakal upang suportahan ang Regional Growth Strategy. Tukuyin ang pansin sa mga Regional Growth Center, Manufacturing and Industrial Center, at Countywide Center sa pamamagitan ng puhunan na multimodal at iba’t ibang ahensya. Bawasan ang pangangailangan ng pagmamaneho ng sasakyan nang mag-isa at alisin ang mga sagabal sa lahat ng klaseng paglalakbay na nagtatakda ng lokal na kaugnayan sa koridor.
Kadalian ng Paglalakbay at Kasiglahan ng Ekonomiya: Pangasiwaan ang kadalian ng paglalakbay sa lokal, rehiyonal, estado, at sa pagitan ng mga estado; pakinabangan ang mga pagsulong ng teknolohiya; suportahan ang kasiglahan ng ekonomiya; at pag isipan ang lahat ng tanging pangangailangan ng mga naglalakbay at klase ng paglalakbay, kabilang ang pagsulong ng freight, aktibong transportasyon, at pampublikong transit.Mapakikinabangang Solusyon at Kalagayn ng Mahusay na Pagkukumpumi: Kilalanin ang mga estratehiya na mapakikinabangan, maaaring gawin, at mapondohan sa tamang panahon habang tinutukoy ang importansya ng pagpapanatili ng Kalagayang Mahusay na Pagkukupuni sa kabuuang naplanong buhay ng pasilidad. Tumutukoy ang Kalagayang Mahusay na Pagkukupun sa kondisyon ng pasilidad kung saan ito ay gumagana nang pinakamainam.