Skip to main content

Ano ang pinag-aralan ng team?

Ano ang proseso ng pag-aaral?

Nagsimula ang project team sa baseline scenario (panimulang pamantayan) at apat na temang scenario:

  • Baseline: Kumpletuhin ang ganap na pinondohang mga proyekto sa loob ng lugar ng pag-aaral
  • Transportation System Management and Operations (TSMO): pangangasiwa ng trapiko gamit ang kasalukuyang impraspraktura; kasama ang mga pantulong na multimodal projects
  • Mga Center: Gumagawa ng importanteng koneksyon sa mga tutunguan sa pook at center; mga kaugnayang multimodal patungo at sa loob ng mga center
  • Mga Express Toll Lane + Transit: Gagawa ng mga SR 167 express toll lane kasama ang pagpapalawak ng transit; kasama ang mga pantulong na multimodal projectsStrategic Capacity: Bagong pagtingin sa 2008 Corridor Master Plan na kabilang ang kapasidad ng general purpose (pangkalahatang daan) at kabilang ang mga multimodal project

Inayos ng team ang higit 200 na mga project na kabilang sa unang phase sa mga scenario upang subukin ang mga resulta at magpatuloy sa mga layunin ng SR 167 Master Plan sa iba’t ibang pagpasyang pampuhunan; unawain ng ang mga tipo ng projects at kombinasyon na magbabago ng transportasyon sa corridor; at magbigay ng impormasyon upang pagbutihin ang mas maliit na grupo mga scenario na sasailalim sa mas detalyong pag-susuri.

Habang sinusuri ng team ang mga temang scenario, kumuha kami ng mga puna galling sa community sa mga pangyayari kagaya ng mga pista, mga co-creation workshop (pulong para sa miyembro ng komunidad), at ang aming unang online open house (tignan ang seksyon na Summer Outreach at Engagement Summary). Kasama sa mga importanteng pagpunang narinig namin sa gawaing ito, ang pagpapalawak ng kapasidad sa SR 167, mas mabuting pag-uugnay sa I-5, I-405, SR 18, at SR 512, at iba pang mga interchange (lipatan), pagpapalawak ng serbisyong transit, at suporta sa pagpaplano para sa hinaharap.

Habang sinusuri ng team ang mga temang scenario, kumuha kami ng mga puna galling sa community sa mga pangyayari kagaya ng mga pista, mga co-creation workshop (pulong para sa miyembro ng komunidad), at ang aming unang online open house (tignan ang seksyon na Summer Outreach at Engagement Summary). Kasama sa mga importanteng pagpunang narinig namin sa gawaing ito, ang pagpapalawak ng kapasidad sa SR 167, mas mabuting pag-uugnay sa I-5, I-405, SR 18, at SR 512, at iba pang mga interchange (lipatan), pagpapalawak ng serbisyong transit, at suporta sa pagpaplano para sa hinaharap.

  • Scenario A: tumutukoy sa mas malawak na pamumuhunan sa impraspraktura ng transit at pakikinabangan ng mga kasosyong transit agency at kanilang plano; kasama dito ang pangalawang express toll lane at mga stratehiya para sa pagbubuti ng interchange sa SR 167.
  • Scenario B: tumutukoy sa pamumuhunan sa SR 167 kasama ang ilang pagbubuti ng ilang interchange, at pangalawang express toll lane para makatulong asikasuhin ang mga back-up (pagsisikip) ng trapiko, pagbubuti ng pagpunta sa regional centers, at mas madalas na serbisyo ng bus sa SR 167.
  • Scenario C: tumutukoy sa pamumuhunan sa pagbubuti ng kilusan ng mga freight truck (trak ng kalakal) sa SR 167 na galing sa SR 512 patungo sa SR 18.

Base sa pagsusuri ng mga tatlong temang scenario at mga ideya ng aming partners at miyembro ng community, handa na ang team na ipakita ang draft recommendation (burador na pagpayo). Kasama sa recommendation ang mga project at strategy sa bawat scenario na tutulong sa lahat ng community sa corridor.

Scenarios

Tinignan ng SR 167 Master Plan Study team ang tatlong scenario. Sinubok ng bawat scenario ang iba’t ibang kumbinasyon ng mga proyekto at strategy.

Kasama sa lahat ng tatlong sitwasyon ang isang batayang hanay ng mga proyekto at strategies na importante sa pagpapabuti base sa aming narinig mula sa komunidad. Nasa pangkatapusang rekomendasyon ang mga proyektong ito.

Mga proyekto at diskarte na karaniwan sa lahat ng mga sitwasyon

Scenario A: $5.0-5.5 Bilyon

Ang Scenario A ay may mahahalagang pamumuhunan sa transit, kumpletong mga pagpapabuti sa mga kalye sa parallel arterial, at malaking halaga ng mga pagpapahusay sa Transit System Management and Operations (TSMO). Mayroon din ang scenario na ito ng Bus Rapid Transit sa SR 167 na maaaring gumamit ng mga direct access ramp sa mga sentro ng transit ng Sumner, Auburn, at Kent.

Mga proyekto at diskarte sa Scenario A na parehas sa lahat ng mga scenario

Mga Takeaway (napalagay): Sinuri ng scenario na ito ang mga benepisyo at kapalit ng mas malalaking pamumuhunan sa transit at mga lokal na kalye. Nakatulong ang scenario na ito sa team na maunawaan ang mga benepisyo ng pinalawak na access sa transit sa buong lugar ng pag-aaral na nag-uugnay sa mga equity priority na lugar (isang heyograpikong lugar na may mas mataas na konsentrasyon ng mga hamak at nahihirapan na populasyon) at mga natukoy na destinasyon ng komunidad, tulad ng mga pangunahing shopping at mga sentrong pangkultura. Panghuli, sinuri ng scenario ang mga benepisyo ng mas malaking pamumuhunan sa multimodal connectivity lalo na sa mga regional growth center, manufacturing industrial centers at equity priority areas.

Scenario B: $5.5-6.0 Bilyon

Sa Scenario B, mas kaunti ang mga pamumuhunan sa transit sa lugar ng pag-aaral at direktang nagbibigay ng mas maraming pamumuhunan sa SR 167. Nakatuon ang sitwasyong ito sa mga interchange at back-up ng trapiko na tinukoy na isyu ng komunidad. Ang ilang kapansin-pansing proyekto para sa scenario na ito ay ang reconstruction ng ilang interchange sa kahabaan ng corridor. Magaganap ang karagdagang consttruction sa SR 18/SR 167 interchange upang mapabuti ang weaving seksyon (kung saan magsasama ang dalawang lane) at iba pang pagbagal na maaaring maging isyu sa kaligtasan. Kasama din sa Scenario B ng mga direct access ramp mula sa SR 167 papunta sa mga transit center, ngunit tinutukoy ang tatlong point-to-point frequent routes ng transit sa halip na SR 167 Bus Rapid Transit sa Scenario A.

Mga proyekto at diskarte sa Scenario B na parehas sa lahat ng mga scenario

Mga takeaway: Sinuri ng scenario na ito ang mga benepisyo at tradeoff ng mas malalaking pamumuhunan sa SR 167 interchanges para ma-access ang mga regional growth center at manufacturing at industrial centers. Tinutugunan nito ang mga bottleneck (kasikipan) sa trapiko at freight na tinukoy ng komunidad at ng mga local agency partners. Sinusuri nito ang mas maraming direktang koneksyon sa pagbibiyahe patungo sa mga rehiyonal na destinasyon sa halip na isang bus rapid transit system sa SR 167.

Scenario C: $4.5-5.0 Bilyon

Tinutukoy ng Scenario C sa freight na may lane para lamang sa trak mula SR 18 hanggang SR 167 extension sa Puyallup. Ang pagpapahusay na ito sa Scenario C ay nakikipagpalitan ng pangalawang Express toll lane para sa isang truck lane upang makatulong sa mas maaasahan na oras ng paglalakbay ng trak. Kasama sa scenario na ito ang maramihang pagpapahusay ng interchange sa mga arterial na kalye at mga pangunahing highway tulad ng SR 18 at SR 410/SR 512.

Mga proyekto at diskarte sa Scenario C na parehas sa lahat ng mga scenario

Mga takeaway: Sinuri ng scenario na ito ang mga benepisyo at tradeoff ng isang dedikadong freight lane mula SR 512 hanggang SR 18 para ma-access ang manufacturing at industrial na mga lugar sa Auburn at Sumner.