Skip to main content

Outreach (pag-abot) at tipanan

Sino ang kinausap namin?

Ano ang narinig namin?

Base sa narinig namin galling sa mga miyembro ng komunidad, sa online at sa personal, at mga pindalang komento sa aming unang online open house, tinukoy ng project team and mga pinaka-importanteng usapin at tema. Kasama sa mga karaniwang tema ang:

  • Paglawak ng kapasidad
  • Pagbuti sa koneksyon
  • Pagplano sa hinaharap

Ayon sa ng mga pagpuna na nakuha noong summer, inuuna ang maasahan na transit service, pagkumpleto sa puwang sa sidewalk at trail, pagpabuti ng kaligtasan at pagkalantad sa pamamagitan ng pag-ilaw, pagbawas sa mga back-up ng trapiko, at pagbawas sa mga sagabal na bagay sa mga taong bumabiyahe sa SR 167, kasama ang mga babayring toll. Ang mga project na ito ay tutulong sa project team na maintindihan kung anong mga pagbubuti ang isasama sa tatlong scenario. Kasa sa mga project ang:

  • Mga bagong east-west (silangan-kanluran) transit route
  • Mga bagong on-demand (kaagad na pag-angkin) na lugar/serbisyo pang-transit (Via, Pingo, atbp.)
  • Connection sa mga regional destination (tunguan)
  • Bagong connection para sa bisikleta and mga taong naglalakad patungo sa mga regional trail
  • Magdagdag/ayusin ang mga sidewalk at bike lane na dumadaan sa interchange at sa SR 167
  • Kumpletuhin ang mga puwang sa sidewalk sa regional growth centers
  • Bagong puhunan sa pag-ilaw, access, at placemaking (pagbubuo ng mga nakakaaliw na lugar) sa regional trails
  • Mga bagong pinangangasiwaang (toll/truck) lane sa SR 167
  • Pagbubuti ng multimodal interchange sa SR 167
  • Pagbubuting multimodal  sa mga arterial (tumutulong na kalye)
  • Mas maayos na freight access sa mga interchange
  • I-rekomenda ang bagong statewide tolling program para sa mababang kita

Pag-papalawak ng Daan sa SR 167

Kasama sa mga komento ang paghiling ng mas maraming lane (kabilang ang High Occupancy Toll (HOT)/express toll lane, mas malawak na lane, at mas mahabang on-ramp para tumulong sa kapasidad ng trapiko.

Mga proyekto ng SR 167 Roadway Expansion. Ang mapa na nagpapakita ng mga inirerekomendang proyekto na nauugnay sa mga komentong natanggap sa mga back-up ng trapiko sa SR 167. Kasama sa mga proyekto ang mga interchange at mga direct access ramp sa kahabaan ng SR 167, mga auxiliary lane sa SR 167 at SR 18, at pangalawang express toll lane sa SR 167.

Pagbawas sa mga

back-up Isang pangunahing hadlang sa paglalakbay ang mga back-up ng trapiko, lalo na sa mga oras ng pinakamaraming naglalakbay. Kasama sa mga suggeston para sa pagbabawas ng mga kasikipan ng trapiko ang isang opsyon sa toll para sa mga taong mababang kita, mas maraming lane sa SR 167 (carpool, express toll lane, truck-only lane), pinahusay na intersection, at mga bagong lane sa mga lokal na kalye.

Mga proyektong makakatulong sa pagbawas ng mga back-up ng trapiko. Ang mapa na nagpapakita ng mga inirerekomendang proyekto na nauugnay sa feedback na natanggap sa pagbawas ng trapiko. Kasama sa mga proyekto ang pangalawang express toll lane sa SR 167, auxiliary lane sa SR 167 at SR 18, mga interchange project, ang bus rapid transit project, at multimodal na mga pagpapahusay sa kalye sa West at East Valley Highway.

Mga Transit Connections

Dapat magkaroon ng mas maaasahang transit at mga solusyon kabilang ang mas malawak na route at serbisyo ng transit, mas madaling pag-access sa transit, mas maraming paradahan ng transit, mas madalas na serbisyo sa transit, at mas maraming oras ng serbisyo sa transit para sa mga shift worker/mga serbisyo sa gabi, lalo na sa mga industriyal na lugar.

Mga proyekto ng Transit Connection. Ang mapa na nagpapakita ng mga inirerekomendang proyekto na nauugnay sa mga komentong natanggap sa pagtulong sa mga tao na gumagamit ng transit. Kasama sa mga proyekto ang mga bagong route ng transit sa kahabaan ng SR 167 at nakapaligid na mga lokal na kalsada, isang pangalawang express toll lane sa SR 167, mga direct access ramp sa mga pangunahing sentro ng transit, at pagpapabuti sa interchange sa SR 167. Ipinapakita rin ang mga transit center sa loob ng humigit-kumulang isang milya ng SR 167.

Pedestrian at Bicycle Connections

May mga nawawalang parte ng sidewalk, daanan ng bisikleta, at mga trail system na nagpapahirap sa paglalakbay ng mga tao. May pangangailangang magbigay ng mga paraan para ma-access ang trail system at magbigay ng karagdagang mga koneksyon ng pedestrian at bisikleta sa transit. Maaaring maging hadlang ang SR 167 dahil sa kakulangan ng mga sidewalk o pasilidad ng bisikleta sa mga interchange, tulay, o sa ilalim ng mga tawiran.

Mga proyekto ng Pedestrian at Bicycle Connections. Ang mapa na nagpapakita ng mga inirerekomendang proyekto na nauugnay sa mga komentong natanggap sa mga pedestrian at bicycle connections. Kasama sa mga proyekto ang mga trail, interchange na may mga sidewalk sa kahabaan ng SR 167, mga proyektong mga multimodal na complete street (kalsadang para sa iba-ibang gumagamit) sa Meridian Avenue, West Valley Highway, at East Valley Highway. Ipinapakita rin ang mga destinasyong tinukoy ng komunidad, mga transit center, at mga pasilidad ng bisikleta at pedestrian.

Pagbubuti ng mga Lokal na Kalsada

Maaaring gawin ang maraming lokal na pagpapabuti ng kalsada sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga interchange sa SR 167, pagdaragdag ng direct access ramp, at paglikha ng mas maraming koneksyon sa kapitbahayan.

Pagbubuti ng mga Lokal na Kalsada. Ang mapa na nagpapakita ng mga inirerekomendang proyekto na nauugnay sa mga komentong natanggap sa pagkonekta sa mga lokal na kapitbahayan/destinasyon sa SR 167 at pagbabawas ng mga back-up ng trapiko. Kasama sa mga proyekto ang mga direct access ramp at interchange sa kahabaan ng SR 167, mga auxiliary lane sa SR 18 at SR 167, at mga multimodal na pagpapabuti ng access sa Meridian Avenue, West Valley Highway, at East Valley Highway. Ipinapakita rin ang mga natukoy na destinasyon ng komunidad, mga transit hub, at mga pasilidad ng bisikleta at pedestrian.

Kaligtasan

Maaaring makinabang ang SR 167 roadway mula sa mga pagpapahusay sa kaligtasan tulad ng mas maraming ilaw, paghihiwalay sa pagitan ng mga sasakyan at mga tao, pagbabawas ng mga back-up ng trapiko, at pagdaragdag ng mas malawak na mga balikat (mga tanging lugar para sa mga sasakyan na daanan pag merong emgergency).

Mga proyektong pangkaligtasan. Ang mapa na nagpapakita ng mga inirerekomendang proyekto na nauugnay sa mga komentong natanggap sa kaligtasan. Kasama sa mga proyekto ang mga upgrade sa mga interchange sa kahabaan ng SR 167, ang pangalawang express toll lane sa SR 167, mga multimodal na proyekto sa kalye sa West at East Valley Highway, mga proyekto upang magdagdag ng higit pang espasyo para sa lahat ng mga mode sa Meridian Avenue at pinahusay na tawiran ng Burlington Northern Santa Fe (BNSF) riles sa Ellingson Road.

Ang sumusunod na section ay summary ng narinig namin mula sa community tungkol sa transit, bicycle at pedestrian access, at mga kailangan ng sasakyan at trak sa corridor. Kasama sa bawat topic ang mapa na nagpapakita ng mga project sa Recommended Scenario na tumutukoy  sa pangangailan sa biyahe. Halimbawa, para maayos ang hamon sa mas maaasahan at accessible na transit, kasama sa Recommened Scenario ang bago o mas mabuting mga transit route.