Skip to main content
WSDOT online open houses

Pangkalahatang-ideya ng Pag-aaral

Kailan nagsimula ang SR99 Pre-Design Study?

Nagsimula ang pag-aaral noong 2022, pero huminto muna ito noong 2023 para sumunod sa mga bagong batas at makakuha ng karagdagang pondo. Sa bagong nakuhang pondo, nagpatuloy ito noong 2024 at inaasahang matatapos sa 2025.

Paano umaayon ang pag-aaral na ito sa mga pangako at prinsipyo ng WSDOT?

Sumasalamin ang proyekto sa pangako ng WSDOT sa Complete Streets, na nagsisigurong ang mga kalsada ay ligtas at magagamit ng lahat—mapa-lakad, nagbibisikleta, gumagamit ng wheelchair, nagmamaneho, o sumasakay ng pampublikong transportasyon. Ang Complete Streets ay mga kalyeng para sa lahat. Ang sistema ng transportasyon na tumatanggap sa lahat ng uri ng transportasyon ay mas madaling ma-access, komportable, matipid, napapanatili, at mahusay sa paggamit ng espasyo sa pagbiyahe.

Ipinapatupad din namin ang mga prinsipyo ng Batas para sa Malusog na Kapaligiran para sa Lahat (Healthy Environment for All (HEAL) Act),na nag-uutos sa mga ahensiya ng estado na tugunan ang hindi pagkakapantay-pantay sa kalusugang pangkapaligiran na nakaapekto sa mga komunidad na labis na nabibigatan. Susuriin ng mga tauhan ng WSDOT kung paano makaaapekto sa mga komunidad na ito at sa mahihinang populasyon ang mga inirerekomendang pagpapabuti, at makikipag-ugnayan sila sa mga direktang naapektuhan para tukuyin ang mga estratehiya na magpapababa sa pinsala at magpapataas sa benepisyo para sa lahat ng kasangkot sa proyekto. Ginagamit ng WSDOT ang Washington Environmental Health Disparities (EHD) Map, datos mula sa census, at input mula sa komunidad para makatulong sa pagbuo ng disenyo.

Ano na ang kalagayan ng Pag-aaral?

Ang timeline ng SR 99, na nahahati sa anim na yugto, ay nagsimula noong Hunyo 2024 at magtatapos sa Disyembre 2025. Isinasagawa sa kabuuan ng timeline ang pakikilahok ng ahensiya at ng komunidad. Ang proyekto ay kasalukuyang nasa Yugto ng “I-adjust ang Mga Opsyon at Talakayin ang Mga Kapalit” na magsisimula mula Mayo hanggang Setyembre 2025. Gaganapin ang Mga Grupong Talakayan ng Komunidad (Community Focus Group) kasabay ng yugtong ito, pati na rin sa Marso 2025. Ang apat na yugtong natapos na ay: “Suriin ang Kasalukuyang Kalagayan at Tingnan ang mga Hinaharap na Plano” na isinagawa mula Hunyo hanggang Setyembre 2024; “Suriin ang mga Kagustuhan at Pangangailangan ng Komunidad” na isinagawa mula Setyembre hanggang Disyembre 2024; “Bumuo ng Mga Opsyon” na isinagawa mula Enero hanggang Marso 2025; “Suriin ang Mga Opsyon batay sa Mga Kalamangan at Kahinaan” na nagsimula noong Marso 2025 at magpapatuloy hanggang Mayo 2025. Ang susunod na yugto ay “Inirerekomendang Mga Pagpipilian sa Pagpapabuti” na isasagawa mula Oktubre hanggang Disyembre 2025.
Timeline ng SR 99 Study mula Hunyo 2024 hanggang Disyembre 2025

Patuloy ang pakikipag-ugnayan sa komunidad, mga tribo, at mga ahensiya sa buong panahon ng pag-aaral.

Iskedyul:

Magkano ang halaga ng pag-aaral? Saan nanggagaling ang mga pondo?

Ang pag-aaral ay pinondohan ng $800,000 mula sa Sandy Williams Connecting Communities Grant, $945,918 mula sa Puget Sound Regional Council Equity Grant at $147,613 mula sa WSDOT na pondo.

Anong mga feedback na ang naibigay hanggang ngayon, at paano ito isinama?

Noong 2022, nagsagawa ng paunang survey sa 350 katao para maintindihan ang SR 99 study corridor mula sa kanilang pananaw. Nakatulong ang feedback na ito sa WSDOT na bumuo ng layunin at pangangailangan ng pag-aaral.

Mula pa noong huling bahagi ng 2024, ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ay kinabibilangan ng mga pagpupulong kasama ang grupo para sa pagkakapantay-pantay, pagpupulong kasama ang mga miyembro ng komunidad sa mga grupong talakayan, pagdalo sa mga perya at kapistahan, at paglapit sa mga organisasyong nakabase sa komunidad. Ipinakita ng iba’t ibang miyembro ng komunidad, mga grupong pangkomunidad, at mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga kagustuhan para sa mga lokal na pagpapabuti sa piling lugar pati na rin ang mga konsepto sa buong corridor. Nakatulong ang paglapit namin sa komunidad na malaman ang kagustuhan nila para sa:

Ipinapakita sa tatlong larawan ang silid na may mga mesang may pinalaking papel na mapa ng SR 99 study area na may mga sticky note at mga tao, grupo ng mga taong nakapalibot sa isang mapa habang itinuturo ang ilang lugar dito, at grupo ng mga nakaupong tao na nakikinig habang may mga diagram ng corridor sa likuran.
Kasama sa pakikilahok ng komunidad para sa SR 99 Study ang pakikipag-ugnayan sa mga organisasyong nakabase sa komunidad noong 2024 at 2025. Ngayon, ikaw na ang magbahagi ng iyong feedback.