English | 简体中文 | Chuukese | 한국어 | Kajin Ṃajeḷ | Русский | Español | Tagalog | українська | Tiếng Việt
Welcome!
Nagbibigay ang online open house na ito ng impormasyon tungkol sa mahalagang pag-aaral ng Departamento ng Transportasyon ng Washington State (Washington State Department of Transportation, WSDOT) na nakatuon sa pagpapabuti para sa mga naglalakad, gumagamit ng wheelchair, at bumabiyahe sa pampublikong transportasyon. Ang State Route 99 Lynnwood at Unincorporated Snohomish County Pre-Design Study Area, o SR 99 Study Corridor, ay umaabot mula 212th Street Southwest hanggang Airport Road, na nakakaapekto sa Everett, Mukilteo, Lynnwood, Edmonds, Mountlake Terrace at Brier. Ipinapakita sa mapa ng proyekto sa ibaba ang SR 99 Study Corridor. Makikita mo rito ang mga detalye tungkol sa pag-aaral—kabilang ang mga pangangailangan sa pag-aaral, kasalukuyang kalagayan, posibleng mga pagpapabuti, at mga pagkakataon para makapagbigay ng feedback.
Sa online open house na ito, maaari kang:
- Matuto pa tungkol sa pag-aaral (5 minutong pagbabasa)
- Magbahagi kung paano at bakit mo ginagamit ang SR 99 (3 minutong survey)
- Magbigay ng feedback tungkol sa pangkalahatang pagpapabuti ng kalsada (mga konsepto sa buong corridor) (3 minutong survey)
- Magbahagi ng mga karanasan at ideya tungkol sa mga partikular na lokasyon para sa pagpapabuti (6 minutong survey)
- Magbahagi ng iyong opinyon tungkol sa mga opsyon para sa SR 99/ State Route 525 Interchange (3 minutong survey)
- Magsabi sa amin ng tungkol sa iyong sarili (2 minutong survey)
Aabutin lang ng hanggang 25 minuto ang buong survey.

Ano ang layunin ng SR 99/Lynnwood at Unincorporated Snohomish County Pre-Design Study?
Layunin ng SR 99/Lynnwood at Unincorporated Snohomish County Pre-Design Study na bumuo ng mga opsyon para sa pagpapabuti na magbibigay ng ligtas at maginhawang koneksiyon para sa mga gumagamit ng aktibong transportasyon (mga taong naglalakad, nagbibisikleta, gumagamit ng wheelchair, at sumasakay ng pampublikong transportasyon), habang inuuna ang mga pangangailangan sa paggalaw ng mga populasyong apektado ng hindi pantay na kalagayang pangkalikasan (ayon sa gabay ng estado).
Anong mga problema ang tutugunan ng Pag-aaral na ito?
Tinitingnan ng pag-aaral ang mga paraan para:
- Bawasan ang stress at gawing mas komportable ang mga naglalakad at nagbibisikleta sa kahabaan at pagtawid sa SR 99 Study Corridor.
- Gawing mas madali ang pagpunta sa mga hintuan ng bus at iba pang destinasyon sa kahabaan ng SR 99 para sa mga naglalakad, nagbibisikleta, o gumagamit ng wheelchair.
- Mag-isip ng mga paraan para maalis ang mga nakamamatay at malulubhang aksidente para sa lahat ng tao – kabilang ang mga naglalakad at nagbibisikleta.
Paano makakapagbigay ng input ang mga miyembro ng komunidad sa Pag-aaral?
Nagbibigay ng pagkakataon ang open house at survey na ito para makapagbigay ka ng input sa SR 99 Study. Dagdag pa rito, hanapin ang impormasyon tungkol sa SR 99 Study sa mga perya at pista malapit sa inyo ngayong tag-init! Rerepasuhin ng WSDOT ang iyong input at gagamitin ang iyong feedback para bumuo ng inirerekomendang disenyo para sa hinaharap.