Skip to main content

I-5 Marvin Rd hanggang Mounts Rd Corridor Improvements Project

English  |   한국어  |   Español  |   Tagalog

Maligayang Pagdating 

Itong online na open house ay nagbibigay daan sa mga tao na matuto nang higit pa tungkol sa at magkomento sa pagtatasa ng kapaligiran/environmental assessment (EA) para sa proyekto ng I-5 sa Marvin Rd hanggang Mounts Rd. Ang Kagawaran ng Transportasyon ng Estado ng Washington ay nagsasagawa ng pagsusuri ng National Environmental Policy Act (NEPA) na 4.7 milya kung saan ang I-5 ay tumatawid sa Nisqually River Delta.  Ang mga layunin ng proyekto ay upang mapagaan ang pagsisikip ng trapiko, mabawasan ang mga pagkaantala at suportahan ang pagpapanumbalik ng kapaligiran. Nilalayon din ng proyekto na gawing mas matatag ang I-5 sa lagay ng panahon at iba pang nagbabagong kondisyon.

Nakatuon ang proyekto sa seksyon ng I-5 sa pagitan ng Marvin Road interchange (Exit 111) at ng Mounts Road interchange (Exit 116). Ang bahaging ito ng I-5 ay sumasaklaw sa Nisqually Delta at sumasakop sa mga county ng Thurston at Pierce.
Nakatuon ang proyekto sa seksyon ng I-5 sa pagitan ng Marvin Road interchange (Exit 111)
at ng Mounts Road interchange (Exit 116).

Itong online na open house ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa pinag-aaralang lugar. Magbabahagi rin ito ng mga pagpipilian sa disenyo at mga pagsasaalang-alang sa kapaligiran. Mayroong pangkalahatang-ideya ng proseso ng pagsasaklaw ng NEPA EA at impormasyon kung paano ibahagi ang iyong mga komento. 

Ano ang Pagtatasa ng Kapaligiran? 

Ang WSDOT ay nagsasagawa ng pagsusuri sa NEPA bilang isang pagtatasa sa kapaligiran/environmental assessment (EA) Ang layunin ng isang EA ay upang pag-aralan at idokumento ang mga potensyal na epekto sa kapaligiran ng proyekto. Pag-aaralan ng EA ang mga epektong nauugnay sa transportasyon, ingay at likas na yaman. Susuriin din nito ang mga parke at libangan, mga mapagkukunan ng komunidad at iba pang mga pagsasaalang-alang sa kapaligiran. 

Pag-aaralan ng WSDOT ang dalawang senaryo sa EA: ang iminungkahing proyekto (Build Alternative) at walang ginagawa (No Build Alternative).